Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
BBM2

PBBM pinuri anti-rice smuggling effort ng BOC

264 Views

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang na ginagawa ng Bureau of Customs (BOC) upang labanan ang smuggling ng bigas sa bansa.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa turnover ceremony ng P42 milyong halaga ng bigas na nakumpiska ng BOC at ibinigay nito sa ibang ahensya ng gobyerno noong Martes, Setyembre 19.

Kinilala ng Pangulo ang BOC sa pagsasagawa nito ng inspeksyon sa iba’t ibang warehouse kung saan pinaniniwalaang naka-imbak ang mga smuggled na bigas.

Sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga ang ginagawa ng BOC upang mapangalagaan ang interes ng bansa.

Nagpahayag naman ng buong suporta si Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa kampanya ng Pangulo laban sa smuggling.

“The BOC treats this matter with the utmost urgency, as it is crucial not only for our farmers but also for all Filipinos who work diligently to put food on the table. That’s why the BOC will relentlessly curb these illegal activities,” ani Rubio.

Nauna rito, kinumpiska ng BOC ang 42,180 sako ng bigas sa isang warehouse sa Zamboanga matapos na mabigo umano ang may-ari nito na magsumite ng mga kaukulang dokumento para mapatunayan na ligal ang pagpasok ng mga ito sa bansa at nabayaran ang tamang buwis.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamimigay bahagi ng nakumpiskang bigas na nakumpiska sa mga mahihirap na pamilya sa Zamboanga Sibugay at Zamboanga City.

Ang iba pang nakumpiskang bigas ay ipamamahagi naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang mapipili sa iba pang bahagi ng bansa.