BBM1

PBBM pinuri commitment ni FL Liza Marcos na protektahan marine environment

Chona Yu Oct 22, 2024
56 Views

AMINADO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagseselos siya kay First Lady Liza Marcos.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa ika-123 na anibersaryo ng Philippine Coast Guard sa Manila, sinabi nito na sa buong military career niya ay hindi pa nakapagsuot ng estrelya sa balikat.

Ginawaran ng PCG si First Lady Marcos ng tatlong estrelya para sa ranggong Vice Admiral ng PCG Auxiliary.

“The First Lady, First Lady Louise Araneta-Marcos for whom I am, of whom I have become very jealous because in my entire time in the military hindi pa ako nakapaglagay ng estrelya sa shoulder board ko. Sa kanya tatlo kaagad,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Naging teniente ng Philippine Constabulary si Pangulong Marcos noon.

Kasabay nito, pinuri ni Pangulong Marcos si First Lady Marcos dahil sa pagsali sa PCG.

“Allow me to recognize our First Lady Liza Araneta-Marcos who recently joined the Philippine Coast Guard Auxiliary. This is not surprising because of her commitment to preserving our marine environment. May each of us also find it within us to be a member of the Philippine Coast Guard Auxiliary,” pahayag ni Pangulong Marcos.