Bicol Source: PCO

PBBM sa DPWH: Bicol River Basin Dev’t Program busisiin

Chona Yu Oct 26, 2024
69 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na busisiing muli ang Bicol River Basin Development Program (BRBDP) na isang k critical flood control measure sa Bicol region.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos matapos malubog sa baha ang Bicol dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.

Sa situation briefing sa Naga City, pinare-revaluate ni Pangulong Marcos kay DPWH Secretary Manuel Bonoan BRBDP na naipatigil noong 1986.

Naniniwala ni Pangulong Marcos na malaki ang maitutulong ng BRBDP para malabanan ang baha sa rehiyon.

Nabatid na ang bahang naranasan sa Bic regjo ngayon ay doble noong bagyong Ondot noong 2009.

“Itong mga lugar, mga [lugar sa] Batangas, mga [lugar sa] Cavite, nawala kaagad ang tubig. Dito, hindi nawawala ang tubig. But that’s the proverbial problem of the Bicol River Basin. Kaya’t kailangan talaga nating pag-isipan what are we going to do with the long-term because you cannot expect any changes,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Next time it rains, (heto) na naman tayo. It would be the same situation all over again. So, we have to find a long-term solution. Pinag-aaralan ko ito and I found that in 1973 there was the Bicol River Basin Development Project,” dagdag ng Pangulo.

Inilunsad ang BRBDP noong 1970s na geography-based development para sa Bicol region. Pinondohan ito ng US Agency for International Development (USAID) katuwang ang Asian Development Bank (ADB) at European Economic Community.

“Yun lamang, hindi natapos. In 1986 when the government changed, nawala na ‘yung project. Basta’t natigil. So, we have to revisit it now. Iba na ang conditions ngayon with the advent of climate change,” pahayag ni Pangulong Marcos.