Bagyo Source: PNP file photo

PBBM sa gov’t agencies: Maghanda sa mga paparating na bagyo

Chona Yu Sep 7, 2024
172 Views

MATAPOS manalasa ang bagyong Enteng, pinaghahanda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan sa dalawang bagong sama ng panahon na maaring maging bagyo.

Sa situation briefing sa bagyong Enteng sa Antipolo City, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na bantayan ang dalawang sama ng panahon para agad na makatugon ang pamahalaan.

“We have to learn all of those things. I’m sure you have the data, you just have to look it up. We have to learn all of those things para malaman natin when it will hit, at what strength. Just to give us an idea of what we’re going to have to face,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Mahalaga aniya na matukoy ang lugar na tatamaan ng bagyo para mabilis na makakilos ang pamahalaan pati na ang local government units.

Nasa 8,036 pamilya o 31,677 katao ang naapektuhan ng bagyong Enteng sa Rizal.

Nasa P11.62 milyong halaga ng assistance ang naibigay ng Department of Social Welfare and Development sa mga residente sa Calabarzon

Nasa P134.40 milyong halaga naman ang standby funds, food, at non-food items.