BBM Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

PBBM sa mga Pinoy: Isabuhay ang kabayanihan ni Bonifacio

Chona Yu Nov 30, 2024
67 Views

BonifacioHINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sambayanang Pilipino na bigyang pagkilala ang mga nagawa ni Gat Andres Bonifacio sa pamamagitan ng paghahanap ng mas malalim na kahulugan sa sakripisyo para sa bayan.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa ika-161 kaarawan ni Bonifacio na tinaguriang Supremo ng Katipunan at Bayani ng Masa.

“Let us honor his memory by finding a deeper meaning in his sacrifice and doing our part in liberating our country from the shackles of hunger, corruption, criminality, and other ills of society,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na sa katapangan ni Bonifacio ay sinindihan nito ang liyab ng Philippine revolution na nagbunga sa pagkakaisa ng bansa upang labanan ang mga mananakop.

Kaugnay nito’y hinikayat ni Pangulong Marcos ang lahat na bigyan ng mas malalim na pakahulugan ang sakripisyong ginawa ni Bonifacio upang mapalaya ang bansa, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bahagi ang mamamayan laban sa kagutuman, korupsyon, kriminalidad at iba pang sakit ng lipunan.

Ayon kay Pangulong Marcos, magsilbi sana ang okasyon na gawing gabay ang pagiging makabayan, disiplinado at may pagmamahal sa bawat isa para makamit ang Bagong Pilipinas, kung saan ang bawat isa ay nakapamumuhay sa kapayapaan, kaunlaran at pagkakasundo.

“As we celebrate this auspicious occasion, let us remember the legacy of sacrifice that he and our forebears have demonstrated. We owe them a debt of gratitude for awakening our nationalist consciousness, upholding our sense of identity, and rousing our spirit of self-determination,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Gat Andres may have been long gone, but his fight carries on. His courage, selflessness, and determination continue to inspire us all to strive for greatness in our shared task of nation-building,” dagdag ni Pangulong Marcos.