BBM1

PBBM: Saudi mangangailangan ng dagdag na manggagawa

141 Views

MAYROON umanong magbubukas na bagong oportunidad sa mga Pilipino sa plano ng Saudi Arabia na palawigin ang ekonomiya nito.

Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mangangailangan ng mga dagdag na manggagawa ang Saudi sa plano nitong building boom.

Sa sideline ng APEC ay nagkaroon ng bilateral meeting si Marcos at Saudi Crown Prince at Prime Minister Mohamed bin Salman.

“Sinabi ko nga nung after the 1973 oil crisis, the building boom of Saudi Arabia was the one that instigated the new surge of OFWs and he immediately stopped me and he said that’s not a building boom, the one that’s coming is the building boom, that’s nothing compared to what we are going to do, so we will need more workers, and so that’s another opportunity for us,” ani Marcos.

Ayon sa Pangulo napag-usapan din nila ang suplay ng langis at fertilizer.

Naikuwento rin umano ng Pangulo sa Saudi Crown Prince na siya ay ipinadala ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Saudi Arabia noong 1970s upang makipagnegosasyon sa suplay ng produktong petrolyo para sa Pilipinas.

“Sabi niya, well we can discuss it again. So babalikan natin lahat yun,” sabi pa ng Pangulo.

“Labor, may mga specifics talaga. Pero sa fuel, oil supply, we touched upon it but we just have to pursue it further. ‘Yung fertilizer mukhang mas madali, baka meron tayong makuha sa kanila,” dagdag pa ng Marcos.