Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nation
Pagpapabuti ng kalagayan ng OFW sa New Zealand itinulak ni PBBM
Ryan Ponce Pacpaco
Nov 20, 2022
509
Views
ITINULAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang pagpapabuti ng kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa New Zealand.
Naka-usap ng Pangulo si New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern sa sideline ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Sinabi ng Pangulo na maraming Pilipino ang naghahanap ng oportunidad sa ibang bansa.
“Most people don’t find great opportunity. But that’s what happened, and we go where the work is,” sabi ni Marcos kay Ardern. “The diaspora has really become a significant part of our culture.”
Nagkasundo ang dalawang lider na gumawa ng mga hakbang upang mas mapabuti ang kalagayan ng mga OFW.

