BBM1

PBBM tiniyak na bukas sa lahat ng foreign investors PH ecozones

Chona Yu May 4, 2024
103 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bukas sa lahat ng foreign investors ang mga economic zones sa bansa.

Partikular na inimbitahan ni Pangulong Marcos na mamuhunan sa bansa ang mga negosyante mula sa South Korea.

Ayon kay Pangulong Marcos, naka-eengganyo ang investment arrangements na inilatag ng administrasyon

“We have economic zones where anyone can participate,” pahayag ni Pangulong Marcos sa panayam ni Chang Dae-hwan, chairman ng South Korea’s Maeyeong Media Group.

Ayon kay Pangulong Marcos dapat samantalahin ng nga kompanya sa South Korea ang business at trade opportunities na inaalok ng economic zones sa Pilipinas.

May alok aniya ang mga Ecozones na one common tax code at incentive scheme.

Hindi na aniya kailangan ng nga dayuhang kompanya na makipag-ugnayan sa ibat ibang local government unit (LGUs).

Inihalimbawa ni Pangulong Marcos ang Clark Freeport and Special Economic Zone (CFEZ) sa Clark City, Pampanga kung saan madali ang pagnenegosyo roon.

“They have come in and I like to think that the reason for that is because we have set up the system that’s attractive for their investment,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“And so, we’ll continue to [do] that and will be able to do even better if the Luzon Economic Corridor is completed, and the travel times and the cost of travel of transport will be brought down,” dagdag ng Pangulo.