Mangagawa

PBBM tiniyak suporta ng gobyerno sa mga manggagawa

Chona Yu May 1, 2024
117 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Filipinong manggagawa na patuloy ang suporta ng administrayon para sa ikauunlad ng kanilang buhay sa ilalim ng “Bagong Pilipinas.”

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa Araw ng Paggawa, kinilala nito ang mahalagang ambag ng mga manggagawa.

Saludo si Pangulong Marcos sa sipag, dedikasyon at pagtitiyaga sa trabaho.

Ayon sa Pangulo, nagsasakripisyo ang mga manggagawa hindi lamang para matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya kundi ang mapalakas na rin ang ekonomiya ng bansa.

“On this special day, we recognize the invaluable contributions of our hardworking men and women whose grit and resilience have paved the way for our national development. We also pay homage to all the people who raised their voices in the pursuit of social justice, championing the rights of workers and ensuring that their efforts are duly valued and compensated,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“The government continues to support the working class and uphold the principles of fairness, dignity and equity across all workspaces. Indeed, under the banner of a Bagong Pilipinas, we will usher in an era of greater prosperity where opportunities abound, creating a society where every worker is cherished, respected and empowered to thrive,” dagdag ng Pangulo.

Idineklara ni Pangulong Marcos na regular holiday sa bansa ang Mayo 1.

Pinaalalahanan naman ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma ang mga employers na sumunod at bayaran ng tama ang mga manggagawang pumasok sa trabaho sa Araw ng Paggawa.