Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
MRT Source: DOTR MRT 3 FB post

PBBM tinugunan hinaing ng mga komyuter, drayber

26 Views

SA layuning matugunan ang mga hinaing ng mga commuter at driver na bumibiyahe sa mga kalsada ng bansa, pinalawig ng administrasyong Marcos ang oras ng operasyon ng Metro Rail Transit System (MRTS) at papayagan nang muling makabiyahe ang mga unconsolidated na driver ng jeep.

Ito ay kasunod ng anunsiyo ni Transportation Secretary Vince Dizon na naglabas na siya ng direktiba sa kanyang kagawaran upang tulungan ang mga unconsolidated na driver na makabalik sa kanilang mga ruta at makabiyahe nang legal.

Ayon kay Dizon, mahalagang isaalang-alang ng pamahalaan ang kalagayan ng mga commuter, driver, at operator, at binigyang-diin na hindi dapat mawala sa publiko ang kanilang transportasyon at kabuhayan.

Pinalawig din ang oras ng operasyon ng MRT-3 hanggang alas-11:00 ng gabi simula Marso upang matugunan ang pangangailangan ng mas maraming commuter na may iba’t ibang shift sa trabaho at nakatira sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

“Sisiguraduhin ko ho, na ang importante, makabiyahe kayo nang legal,” sabi ni Dizon habang kinakausap ang mga miyembro ng isang transport group. “‘Yun pong desisyon na makabalik kayo, nandiyan na iyan.”

“Ang pinag-uusapan natin dito kabuhayan ng mga driver at operator natin. Ang pinaglalaruan natin dito buhay ng tao ‘yan, e. Hindi tayo basta-basta pwedeng magsabi na ihihinto natin ‘yan, hindi natin papayagan ‘yan,” dagdag pa ng kalihim.

Sa isang paunang press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na pinag-aaralan ng administrasyong Marcos ang isang “win-win” na solusyon para sa mga commuter at driver, kung saan parehong magkakaroon ng access sa transportasyon at kabuhayan ang lahat.