EDSA

PBBM walang intensyon burahin EDSA People Power

Chona Yu Feb 25, 2025
12 Views

WALANG intensyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na burahin ang mga alaala ng pag-aalsa ng taong bayan sa EDSA People Revolution noong 1986.

Pagdepensa ito ng Palasyo ng Malakanyang sa hindi pagdedeklara ni Pangulong Marcos bilang holiday sa Pebrero 25.

Ayon kay Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi nirerebisa ng administrasyon ang kasaysayan ng Pilipinas.

Paliwanag pa ni Castro, idineklara ni Pangulong Marcos ang Pebrero 25 bilang special working day ang Pebrero 25 para malayang makalahok ang sino man sa paggunita ng EDSA People Power.

“When we say special working day, still there is encouragement to people to commemorate, to join any event and it will not hinder any activity to commemorate the EDSA People Power,” pahayag ni Castro.

Ayon kay Castro, opinyon lamang ng mga taong tumutuligsa na binubura ni Pangulong Marcos ang EDSA People Power, Castro vehemently rejected such claims.

“Meron po bang pinahinto ang Pangulo na anumang activity na patungkol sa commemoration ng EDSA People Power?” tanong ni Castro.

“At the same time, paano po mabubura ang history? History is history. Hindi po kakayanin ng Presidente na ito ay mabura sa ating history,” dagdag ni Castro.

Malaya din aniya ang mga unibersidad na magsupendi ng klase at gunitain ang EDSA People Power.