BBM1

PBBM walang nakitang problema sa pelikulang Barbie

101 Views

WALANG nakitang problema si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalabas sa bansa ng pelikulang Barbie.

Sa panayam sa Pangulo, sinabi nito na ang pelikula ay kathang-isip lamang kaya hindi problema sa kanya ang sinasabing kuwestyunableng mapa na nagpapakita umano ng nine-dash line ng China.

“Maganda raw eh, sabi nila,” sabi ng Pangulo.

Nauna ng kinuwestyon ng Vietnam ang naturang pelikula dahil sumusuporta umano ito sa pag-angkin ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

“Siyempre, ‘yung sinasabi nila ‘yung kasama doon sa ‘yung boundary line na ginawa. Ang sagot ko doon, what do you expect? It’s a work of fiction,” ani Pangulong Marcos.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road Project at namahagi ng tulong sa mga residente ng Northern Samar.

Pinayagan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRBC) na maipalabas sa mga sinehan sa bansa ang pelikula.