Co Dating Congressman Zaldy Co

PBBM: Warrant of arrest inisyu na vs Zaldy Co, 17 sangkot sa ‘bahanomalya’

383 Views

INISYU na ang warrant of arrest laban sa dating kongresistang si Zaldy Co, isang pangunahing personalidad sa kontrobersiya sa umano’y katiwalian sa flood control projects, kasama ang 17 iba pa mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at Sunwest Corp., ang kumpanyang itinatag niya.

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-isyu ng warrant of arrest nitong Biyernes ng hapon.

“Kaya’t sa ating law enforcement agencies, huwag na nating patagalin pa. Arestuhin na ninyo sila. Siguraduhin maisagawa ito nang mabilis at tama. Gumugulong na ang hustisya,” sinabi ni Pangulong Marcos.

“There is already a warrant of arrest against Zaldy Co and 17 others for DPWH and Sunwest Corporation,” dagdag pa ni Pangulong Marcos sa kanyang social media account.

Si Co ay dating chair ng makapangyarihang House committee on appropriations na humahawak sa taunang pambansang badyet. Mariin niyang itinanggi ang mga paratang at inakusahan pa sina Pangulong Marcos at dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na tumanggap ng kickbacks mula sa mga proyekto sa imprastruktura.

Sa isang pahayag, winelkam ng Office of the Ombudsman ang pag-isyu ng warrant of arrest at nanawagan sa law enforcement agencies na “execute these warrants without delay.”

“Ensure their immediate arrest and bring them before the bar of justice,” ayon sa statement.