Ayuda

PBBM:P50M ‘Kristine’ ayuda inilaan sa 3 siyudad, 15 munisipalidad sa Albay

Chona Yu Nov 6, 2024
26 Views

AABOT sa P50 milyong halaga ng pinansyal na ayuda ang ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Albay.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Ibalong Centrum for Recreation (ICR) sa Legazpi City, sinabi nito na galing sa Office of the President (OP)ang pondo na inilaan para sa tatlong siyudad at 15 munisipalidad sa Albay.

“Sa pamamagitan po nito, makakapaghandog tayo ng tig-sa- sampung libong piso para sa mga magsasaka upang muling maitaguyod at mapalago ang inyong kabuhayan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nasa 1,000 beneficiaries mula sa Libon ang nabigyan ng ayuda; 900 mula sa Oas; 400 sa Guinobatan; at tig 300 sa Camalig at Polangui; tig 200 sa Pio Duran at Malinao; at tig 150 sa Daraga at Tiwi.

Binigyan din ng ayuda ang tig 100 beneficiaries mula sa Rapu-Rapu, Malilipot, Jovellar; at tig 80 sa Sto. Domingo at Bacacay; 60 sa Manito; 450 sa Tabaco; 350 sa Legazpi; at 80 sa Ligao City.

Namahagi naman ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng Training Support Fund na nagkakahalaga ng P3,413,700 para sa 1,162 beneficiaries sa Albay.