Calendar
PBMM dapat bigyan ng emergency powers vs oil price hikes–Sen. Ping
BIBIGYANG prayoridad ng Senado ang hiling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa emergency powers upang mabawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson nitong Lunes.
Tanging ang mga ayaw tumulong sa karaniwang Pilipino na makayanan ang epekto ng sigalot sa Gitnang Silangan ang hindi magbibigay ng emergency powers sa pangulo, ayon kay Sen. Lacson.
Iminungkahi ni Lacson na amyendahan ang National Internal Revenue Code (NIRC), partikular ang Section 148, para bigyan ang Department of Finance ng kapangyarihang suspindihin ang excise tax kapag ang presyo ng krudo ay lumampas sa $80 kada bariles.
Binigyang-diin niya na ang amyenda ay dapat magbigay ng awtoridad sa halip na magtakda ng mandato sa ahensya.
Nagpahayag ng ibang pananaw si Senator Francis “Chiz” Escudero sa pamamagitan ng paghahain ng Senate Bill No. 1938.
Layunin version ni Sen. Chiz na bigyan ang Pangulo ng permanenteng kapangyarihan na magbawas o magsuspinde ng excise at value-added taxes sa langis tuwing aabot sa takdang threshold ang presyo sa pandaigdigang merkado.
Sa ilalim ng panukala ni Escudero, maaaring bawasan ng hanggang 50 porsyento ang buwis sa langis kapag naabot ang nasabing presyo.
Kasama rin sa bill ang isang flexibility clause na nagpapahintulot sa Pangulo na magpatupad ng bawas-buwis kahit hindi pa naabot ang threshold basta may sertipikasyon mula sa Energy Secretary tungkol sa matinding disruption sa supply ng langis.

