PBBM Hawak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Magna Carta of Filipino Seafarers o Republic Act 12021 matapos niyang pirmahan ito upang maging ganap na batas sa Malacanang Palace Lunes ng umaga. Nasa signing ceremony rin sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Sen. Raffy Tulfo, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., Sen. Francis Tolentino, at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe. Kuha ni VER NOVENO

PBMM nilagdaan upang maging batas Magna Carta for PH Seafarers

Chona Yu Sep 23, 2024
189 Views

GANAP nang batas ang Magna Carta for Filipino Seafarers.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na Senate Bill No. 2221 at House Bill No. 7325.

Sa ceremonial signing sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga ang batas para maipaglaban ang karapatan at pagpapahalaga sa mga seafarers na nagtatrabaho at nagsasakripisyo sa ibang bansa.

“At its core, this new law aims to uphold the fundamental rights of our overseas seafarers: their right to fair wages, safe working conditions, and skills and competency development, amongst others,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Iginiit ni Pangulong Marcos na ang patas na sweldo ay hindi lamang tungkol sa patas na numero sa paycheck kundi dapat makakuha rin ng patas na kabayaran ang mg seafarers para sa kanilang hirap at dedikasyon.

Pagdating naman aniya sa kondisyon sa trabaho, ang mga kumpanya ay hindi lmang dapat nakatutok sa paggsunod kundi dapat rin tiyakin ang kaligtasan at proteksyon hindi lamang mula sa mga panganib na kinakaharap kundi pati na rin sa mula sa pananamatala at diskriminasyon.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos na ang Magna Carta ay naaayon para sa makasabay sa pamantayan sa pagsasanay, Certification and Watchkeeeping (STCW) gayundin sa pagtanggap sa global maritime labor laws.

Sa pamamagitan aniya nito ay tiyak na ang mga seafarer natin ay hindi lamang sumusunod kundi mahusay at handang harapin ang mga hamon ng nagbabagong industriya ng maritime.

“We see you; we hear you, and we are here to support you,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“This will seamlessly align with the Standards for Training, Certification, and Watch keeping or STCW, as well as the accepted global maritime labor laws,” dagdag ni Pangulong Marcos.