Cabagan Source: MDRRMO Cabagan

PBMM sa DPWH: Bumagsak na tuloy sa Isabela imbestigahan

Chona Yu Mar 1, 2025
14 Views

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways ang bumagsak na tulay na nag-uugnay sa mga bayan ng Sta. Maria at Cabagan sa Isabela.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Underdecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nais mismo ni Pangulong Marcos na matukoy ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng tulay at kung sino ang contractor na humawak sa proyekto.

Nasa P1.2 bilyob ang inilaang pondo sa tulay na sinimulang itayo noong 2014.

Dagdag pa ni Castro, nais din ng Pangulo na alamin kung may nangyaring katiwalian sa proyekto.

Giit ng Pangulo, kailangang may managot at makulong kung mapapatunayang may kapabayaan o korapsyon sa likod ng insidente.

Binigyang diin naman ni Castro na bahagi ng responsibilidad ng mga local government units ang regular na pag-inspeksyon sa mga infrastracture project ng pamahalaan upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga ito.

Nabatid na dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang isailalim sa retrofitting ang tulay, at tanging mga maliliit na sasakyan lamang ang pinapayagang dumaan dito.

Matatandaang ilang taon nang natapos ang konstruksyon ng Cabagan-Sta. Maria Bridge, ngunit hindi ito agad ipinagamit dahil sa umano’y mga pagkukulang sa disenyo na naging dahilan para isailalim ito sa retrofitting.