PCAP

PCAP: Camarines chessers nagpa-sikat

Ed Andaya May 4, 2024
171 Views

PATULOY ang pananalasa ng Camarines Eagles sa 2024 PCAP All-Filipino Conference.

Bagamat nakaaangat sa iba, nagtala ang Camarines ng panibagong back-to-back victories laban sa Surigao Fianchetto Checkmates, 13-8, at Arriba Iriga, 17.5-3.5, upang lalo pang patatagin ang kanilang paghawak sa liderato sa Southern Conference.

Nanguna muli sina GM Darwin Laylo, Ellan Asuela, WIM Bernadette Galas at IM Barlo Nadera para sa kampanya ng Camarines sa 18-team, two-division tournament na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Ayala Land at PCWorx.

Si Laylo ay tumabla kay IM Rolando Nolte ng Surigao, 1.5-1.5, bago nanalo laban kay Jayvee Relleve ng Iriga, 3-0, habang si Asuela ay namayani laban kina Joel Anthony Hicap ng Surigao, 2-1, at Epifanio Bueno ng Iriga, 3-0, upang magbida sa Eagles.

Samantala, wagi din sina Galas laban kina Mariel Romeronh Surigao, 3-0, at Isabel Palibino ng Iriga, 3-0, at Nadera kontra kay Roger Pesimo ng Iriga, 3-0, para ma-kumpleto ang panibagong araw ng tagumpay para sa Camarines.

Ang nasabing twin victories ay nagbigay sa Camarines ng nakabibilib na 16-4 win-loss record, nakaaangat sa , Toledo City Trojans, Davao Eagles at Surigao Fianchetto Checkmates.

Ang PCAP, ang una at nag-iisang professional chess league sa bansa, ay pinamumunuan nina President- Commissioner Atty. Paul Elauria, at Chairman Michael Angelo Chua.

Ang kumpetisyon ay pinapangasiwaan ng Games and Amusements Board (GAB), sa ilalim ng liderato ni Chairman Atty. Richard Clarin.

Ginaganap ang mga laro tuwing Wednesday at Saturday.

Standings

Northern Conference

San Juan 17-2; Cavite 17-3; Pasig 16-3; Manila 16-4; Cagayan 13-7; Isabela 8-12;
Quezon City 6-13; Rizal 5-15; Olongapo 1-19.

Southern Conference

Camarines 16-4; Toledo 13-6; Davao 12-8; Surigao 10-10; Iloilo 9-10; Tacloban 8-12; Negros 6-14; Iriga 3-16; Mindoro 1-19