Padel Ang mga nagwaging kalahok sa Padel Pilipinas Open.

Padel Pilipinas 2024 matagumpay

98 Views

MATAGUMPAY na isinagawa ng Padel Pilipinas, ang opisyal na samahan ng padel sa bansa, ang Philippine Open 2024 nitong nakalipas na April 25-28.

Nagtagisan ng husay sa larong padel ang 77 manlalaro na bumubuo sa 44 na koponan na nagmula pa sa 12 bansa.

Kampeon sa kategorya ng Women’s Open ang tambalan nina Senator Pia Cayetano at Tao Yee Tan; Mayumi Toribio at Violeta Volodkeviciute naman sa Women’s Intermediate.

Samantala, namayani sina Joseph Serra at Johnny Arcilla sa Men’s Open category

Tinanghal naman na kampeon sa Men’s Intermediate sina Nigel Rimando at Vinz Toribio.

Nagpapatuloy sa paghahanda ang Padel Pilipinas katuwang ang Play Padel para sa ikalawang bahagi ng torneo ang Mixed (Open, Intermediate at Beginner) category sa darating na May 2-5.