PCG

PCG, BFAR kinondena paglalagay ng floating barrier ng China sa BDM shoal

Zaida Delos Reyes Sep 24, 2023
197 Views

KINONDENA ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang China Coast Guard (CCG) sa paglalagay nito ng floating barrier sa Bajo de Masinloc (BDM) shoal upang hindi makatawid ang mga mangingisdang Pilipino sa lugar na kanilang pinangingisdaan.

Ang floating barrier na may habang 300 metro ay nadiskubre ng mga tauhan ng PCG at BFAR na sakay ng BRP Datu Bankaw na nagsagawa ng routine maritime patrol sa lugar noong Setyembre 22.

Tatlong Rigid Hull Inflatable Boats (RHIB) at service boat ng Chinese Maritime Militia umano ang naglagay ng floating barrier ng mamataan ang barko ng BFAR sa lugar.

Ayon sa mga mangingisda hindi ito ang unang pagkakataon na naglagay ng floating barrier ang mga CCG.

Nakipagpalitan umano ng radio challenge ang BFAR at PCG sa CCG.