Houston

PCG-Houston Konsul Pangwi pinuri sina Bb. Bordeaux, Bushart

94 Views

Houston1Houston2Houston3

DUMALO noong Sabado ang Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Houston, na pinangunahan ni Konsul Von Ryan Pangwi, sa eksibisyon ng mga likha ng iskultor na si Elaine Bordeaux sa Dogwood Canyon Audubon Center sa Cedar Hill, Texas.

Isa sa mga tampok sa eksibisyon ang “Diwata,” ang pagpupugay ni Bb. Bordeaux sa mga espiritu ng kalikasan sa alamat ng Pilipinas, na matagal nang pinaniniwalaang naninirahan at nagbabantay sa mga kagubatan, kabundukan, at mga ilog ng bansa.

Binati ni Consul Pangwi si Bb. Bordeaux para sa koleksyong nagdiriwang sa pagkakaisa ng tao at ng kalikasan.

Pinuri rin niya si Cedar Hill Council Member Patricia Bushart, na dumalo sa eksibisyon, dahil sa patuloy na pagsisikap ng lungsod na pangalagaan at protektahan ang mga kagubatan at mga luntiang lugar nito.