Impeachment trial ni VP Sara kinansela nitong Sept. 30 dahil ‘ahead’ sa sked

127 Views

KINANSELA ng Senate impeachment court ang pagdinig sa kaso ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa Miyerkules, Setyembre 30, at itinakda ang pagpapatuloy nito sa Huwebes, Oktubre 1, alas-10 ng umaga.

Inilabas ni Clerk of Court Atty. Renato N. Bantug Jr. ang abiso ng kanselasyon.

Sinabi ni Impeachment Court Spokesperson Atty. Regie Tongol na magagamit ng prosekusyon at depensa ang Miyerkules upang makapaghanda sa buong-araw na pagdinig na nakatakda mula Oktubre 1 hanggang 15, alas-10 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi.

“The Impeachment Court is not pausing because it is behind; it is pausing because the Court is aggressively ahead of schedule,” ani Tongol.

Ayon sa kanya, anim na saksi na ang iniharap ng prosekusyon mula nang simulan ang pagtalakay sa Article II noong Setyembre 14. Magkakaroon din aniya ng panahon ang magkabilang panig na suriin ang mga rekord mula sa Anti-Money Laundering Council at mga tanggapan ng Register of Deeds na inaasahang darating simula Huwebes.

Saklaw ng Article II ang mga paratang tungkol sa deklarasyon ng ari-arian at mga interes sa negosyo ni Duterte.