PCG

PCG iniimbestigahan panghaharass sa mga mangingisda sa Ayungin Shoal

194 Views

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng napaulat na panghaharass ng barko ng China sa mga mangingisdang Pilipino sa Ayungin Shoal

Iniulat ng kapitan ng FFB KEN-KEN na si Lito Al-os ang panghaharaas umano sa kanila ng barko ng China Coast Guard noong Enero 9 sa Ayungin Shoal.

Nagmane-obra umano ang CCGV 5204 patungo sa FFB KEN-KEN at ng malapit na sa kanila ay nagpalabas ito ng rigid hull inflatable boat (RHIB) na humabol sa kanila.

Sinasabihan umano ang mga mangingisda na umalis sa lugar.

Sinundan umano ng CCGV 5204 ang mga mangingisda hanggang sa sila ay makarating sa Boxall Reef.

Nang matanggap ang ulat, nagpadala ang PCG Task Force Pag-asa ng dagdag na Philippine Coast Guard vessel sa West Philippine Sea (WPS) upang proteksyunan ang mga mangingisdang Pilipino.