Calendar
PCG-LA kinilala katatagan ng mga refugees sa buong mundo

LOS ANGELES — Nakiisa ang Philippine Consulate General sa Los Angeles (PCG-LA) sa pagdiriwang ng World Refugee Day upang kilalanin ang katatagan ng refugees sa buong mundo at pagpapatibay sa tradisyon ng Pilipinas sa pagbibigay ng kalinga.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay nagtataglay ng mas malalim na kahulugan dahil ginugunita rin ang 75th anniversary ng 1951 Refugee Convention at ika-45 na taon mula nang lumagda ang Pilipinas sa kasunduan.
Binigyang-diin ng Konsulado ang ipinagmamalaking pamana ng bansa sa pagbubukas ng pinto para sa mga indibidwal na napilitang lumikas dahil sa digmaan, karahasan at pag-uusig.
“Pinarangalan din ang ipinagmamalaking pamana ng pakikiramay, pagkakaisa, at proteksyon at nangangako tayong ipagpatuloy ang muling pagtatayo ng mga buhay, pagpapanumbalik ng dignidad at paglikha ng mga landas tungo sa pag-asa,” dagdag ng Konsulado.

