PCIC

PCIC Bill lumusot na sa plenaryo ng Kongreso

Mar Rodriguez Mar 23, 2023
302 Views

INAPRUBAHAN na sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang panukalang batas na naglalayong palawakin ang mga serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa lahat ng sektor ng agrikultura. Kabilang na dito ang pakikilahok sa nasabing programa ng private sector.

Sa pamamagitan ng 268 affirmative votes. Pinagtibay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 7387 na naglalayong amiyendahan ang Sections 1 at 3.11 ng Presidential Decree 1467 na siyang nattatag ng PCIC.

Sakaling maisabatas ang nasabing panukala, sasakupin ng serbisyo ng PCIC ang lahat ng agricultural commodity katulad ng palay crops at iba pang uri ng pananim kabilang na ang non-agricultural assets gaya ng livestock, aqua-cultural and fisheries, agr-forestry at iba pa.

Bukod dito, bibigyan din ng kapangyarihan ang ahensiya na magbigay ng “agricultural reinsurance services” sa mga pribadong kompanya. Kabilang na ang pang-sakahang kooperatiba at samahan ng mga magsasaka na lumahok sa mga programang “agricultural insurance’.

Inaasahan naman na sakaling mapalawak ang “crop insurance system”. Mas mapo-protektahan nito ang mga magsasaka sa banta ng pagkalugi sanhi ng mga peste at sakit sa mga hayop gaya ng African Swine Fever (ASF).