PCO

PCO: Lapel na iniabot kay PBBM ginawang malisyoso sa socmed

Chona Yu Sep 28, 2024
19 Views

PCO1

https://x.com/elizax11235813/status/1839473811072352733?s=46

MAGING mapanuri.

Payo ito ng Palasyo ng Malakanyang sa kumakalat na video ng isang lalaki na may inabot na bagay kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ipinakakalat sa video na isang sachet na naglalaman ng ilegal na droga ang iniabot kay Pangulong Marcos.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), isang lapel pin na may simbolo ng politikal na partido ang iniabot ng lalaki na naghihintay na makapag-selfie kay Pangulong Marcos.

Nakadidismaya ayon sa PCO na ginagamit ang video para ipakalat ang maling naratibo.

Sinabi pa ng PCO na dahil sa pinutol at pina-blur ang video nagbigay ito ng maling konteksto.

Dagdag ng PCO, naglabasan ang iba’t ibang haka-haka at pinalalabas na white substance ang laman ng sachet.

Payo ng PCO, mag-isip, magsaliksik, alamin ang buong kuwento, obserbahan ang mga detalye, at huwag magpaloko sa fake news.