PUBL

PCU nagpa-sikat sa PUBL

155 Views

BAHAGYA lamang pinagpawisan ang Philippine Christian University bago pabagsakin ang First City Providential College, 81-51, sa pagpapatuloy ng aksyon sa 5th Philippine University Basketball League (PUBL) basketball championship sa Lam An gym sa Abad Santos, Manila.

Sumandal ang Dolphins sa mainit na mga kamay ni Castor Troy Manipolo para sa magandang simula sa six-team tournament, na ino-organisa ng Federation of School Sports Athletic Association of the Philippines (FESSAP), sa pangunguna ni Edwin Fabro.

Umiskor si Manipolo ng 16 points para sa Taft-based Dolphins, na sinusuportahan nina president Dr. Junifen F. Gauuan at athletic director Dr. Ruth Martha Beata Iljiran.

Nagpasikat sin sina Lionel Faelion, Luis Rotoni Kenneth Obioha at Hans Lleva para sa Dolphins, na ginagabayan nina PBA legend-coach Oscar “Biboy” Simon at assistant coach Mark Edison Ordonez.

Nagtulong sina JP Zilmar, Laurence Borja at Vincent Ilacas para umiskor ng 30 sa Royal Eagles ni coach RJ Decierdo.

Ang tournament ay sanctioned ng Basketball Association of the Philippines (BAP) sa pamumuno ni Robert Milton Calo at sinusuportahan ng Philippine AirLines, LT Group Inc., Healthy Oprtions,

Baker’s Fair, Omni Lights, Seascape Village, Fronte Motors, Kelme Basketball at PAGCOR.

Si Antonio Quiza Sr ang commissioner habang sina Romulo Raytos at Nanding Gayanilo ang nangunguna sa technical commitee.AA