Commissioner kiram Commissioner Kiram

PE teachers at coaches bibigyan pugay ng PSC

Robert Andaya Mar 24, 2022
554 Views

BIBIGYANG halaga ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga kontribusyon ng akademya sa pagsusulong at pagpapaunlad ng kababaihan sa sports sa gagawing special episode ng Rise Up Shape Up, na magtatampok sa mga guro at coach ng Physical Education ngayong Sabado, Marso 26.

Ang episode, na pinamagatang “Women Wielding Influence and Motivation in PE Classes and School Playing Fields” ay tatampukan nina Dr. Lumna Trinidad ng Tarlac State University at mga gurong coach na sina Marissa Austria, Stephanie Pagarigan at Anne Daphien Baisa sa 7 p.m.

Ibabahagi ni Dr. Lumna ang kanyang mga personal na karanasan sa pagsali sa sports sa murang edad at kung paano niya nagamit ang kanyang kasanayan sa sports sa labas ng larangan ng paglalaro.

Si Austria, isang Master Teacher II at MAPEH coordinator sa Las Piñas East National High School, ay dating archer ng Philippine Normal University (PNU) at kinatawan ang bansa sa ilang mga international competisyon mula 1996 hanggang 1998.

Sa kasalukuyan, siya ay isang continental judge sa World Archery Asia at naging bahagi dinng officiating nung 2019 Southeast Asian Games. Ibabahagi ni Austria ang kanyang mga saloobin at pananaw sa pag-impluwensya at pagganyak sa mga bata na maging mga kampeon sa palakasan at buhay.

Samantala, magsasalita sina coach Pagarigan at coach Baisa tungkol sa Art of Planning and Establishing Influence among Players at ibabahagi ang kahalagahan ng sports sa pagbuo ng life skills.

“Through the influence of our teachers and coaches, we understand that sports are indeed a tool in developing athleticism, healthy competition, and sports mindedness that children can apply in improving the quality of their life,” pahayag ni PSC Women in Sports oversight commissioner Celia Kiram.

Ipapakita din ng nag-iisang lady commissioner ang history ng Physical Education sa kanyang regular segment na “K-Isport.”