NBI Kinakausap ni NBI Director Jaime Santiago ang Chinese national na umano’y pekeng doktor matapos maaresto sa Pasay City.

Pekeng doktor nalambat ng NBI

Jon-jon Reyes Dec 6, 2024
94 Views

ARESTADO ang isang Chinese national sa entrapment sa Pasay City matapos mag alok ng serbisyong medikal ng walang kaukulang papeles sa Pasay City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 2382 (The Medical Act of 1959) kaugnay ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang suspek na si Yu Jianxin alyas Zhang Lin.

Ayon sa intel reports, nag-aalok ng mga serbisyong medikal sa mga Chinese national na may bayad ang suspek pero wala siyang lisensya o permit para makapag-opera. Hindi rin lisensyadong doktor, manggagamot o medical technologist ang suspek, ayon sa report.

Nakakapang-gamot ang suspek sa pamamagitan ng kanyang Tai An clinic na hindi licensed general clinical laboratory at walang aplikasyon para sa License to Operate (LTO).

Sinabi din ng Food and Drug Administration (FDA) na walang License to Operate (LTO) na ibinigay sa subject kaya lumalabag siya sa Medical Act of 1959.

Nalaman ng mga undercover agent na naka-padlock ang nasabing clinic at may nakalagay na “sarado” sa entrance door.

Sa kabila ng diumano’y pagsasara ng klinika, natuklasan ng mga operatiba ang suspek at ang kanyang mga kasamahan nag-aalok pa rin ng mga serbisyong medikal sa mga Chinese national sa pamamagitan ng Telegram.