Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Calendar
Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang mga naarestong suspek at mga narekober na matataas na kalibre ng baril sa apat.
Metro
4 tiklo sa pagbebenta ng baril
Jon-jon Reyes
Dec 6, 2024
482
Views
APAT na lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) dahil sa pagbebenta ng mga high power na baril sa Paranaque noong Huwebes.
Naaresto ang apat sa Aseana Square sa Paranaque City at narekober mula sa kanila ang isang M14, Daniel Defense M14 Carbine, Cal. 5.56mm, apat na 5.56mm magazines, 20 live ammunitions ng cal. 5.56mm at 1 black rifle tactical bag.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Jerome, Maximo, Michael at Nilo.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act).
Binatilyo, 15, sinaksak sa leeg ng cutter ng
Jul 15, 2026
Pulis sinapak, dinuraan sa kaguluhan sa Malate
Jul 15, 2026

