Honey

Pelikulang pang-OFW, priority ni Atty. Honey Quiño

327 Views

NANG maupo bilang Deputy Administrator for Operations ng OWWA si Mary Melanie “Honey” Quiño, alam niya ang mga hamon na haharapin niya sa bagong mundong ginagalawan. Si Atty. Quiño din ang Chief Operating Officer ng kilalang AQ Prime App. Noon bilang isang movie producer ay nakatuon siya sa AQ Prime sa paggawa ng mga pelikulang makabuluhan na isinali pa niya sa international competitions.

Ngayon nga ay balak niyang gumawa ng pelikula na hango sa mga totoong karanasan ng ating mga OFWs. Maraming kuwento, malungkot, masaya at minsan ay nakakatawa ang nais magawa ni Atty. Honey.

Sa ilang buwan na pag-upo niya sa OWWA ay namulat ang kanyang mga mata sa plight ng ating mga kababayan. Dagdag pa dyan ang buhay ng mga naiwan ng ating mga OFWs dito sa Pilipinas kaya naman excited siyang maisapelikula ang ilan sa inspiring stories na ito at mailagay sa big screen.

Gusto ni Atty. Honey na mamulat ang ating mga kababayan sa hirap na nararanasan ng OFW na magtrabaho abroad at malayo sa kanyang pamilya. Kasama na rin dito ang buhay ng mga anak na lumaki na wala ang isa nilang magulang para lamang sa kanilang magandang kinabukasan.

Asahan na maitataas ni DA Honey ang antas ng kaalaman sa buhay ng ating mga bagong bayani sa mga gagawin niyang makubuluhang pelikula tungkol sa mga OFWs. Mapapanood ang mga pelikulang pang OFW sa AQ Prime na mada-download sa Google playstore at Apple store.