Martin

Martin, nag-renew sa Kapamilya

73 Views

Kapamilya pa rin ang nag-iisang Concert King ng bansa na si Martin Nievera matapos pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN nitong Nobyembre 4 sa Amerika, bago ang live event ng ASAP Natin ‘To sa Las Vegas.

Para kay Martin, ang contract renewal ay isa sa highlights ng kanyang 40th showbiz anniversary.

“To be asked to stay Kapamilya forever, I’m very touched. The word Kapamilya may sound like a title, but for me it’s a true honor. It’s a great badge we wear because some of the greatest artists have walked our hallways and studios,” aniya pa.

Pinasinayaan nina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak at COO for broadcast Cory Vidanes ang contract signing.