Sina Biñan City Mayor Atty. Arman Dimaguila (may inaayudahang lolo) at City Vice Mayor Jel Alonte ay namahagi ng social pensyon sa mga seniors citizens bilang handog para sa araw ng Pasko. Mga kuha ni ROY TOMANDA

Pensyon para kay lolo, lola

Robert Andaya Dec 22, 2024
14 Views

City Vice Mayor Jel AlonteBINAN CITY LAGUNA– Sa Unang Pagkakataon sa Lungsod lamang ng Binan ang mayron nang ipamahagi ang social pension para sa lahat ng mga senior citizen sa lungsod simula ngayong Sabado hanggang Linggo, Disyembre 21at 22 na pinangunahan ni City Mayor Arman Dimaguila at ni Vice Mayor Jel Alonte at mga Miyembro ng Sanguniang Panglunsod.

Sa unang araw ng Social Pension Payout, tumanggap ang mahigit 8,351 lolo at lola ng halagang P3,000 bawat isa mula sa apat na barangay sa Biñan. At sa pangalawang araw ay mahigit na 10,000 ang nabigyan ng nasabing social pension program.

Ayon kay Mayor Arman Dimaguila, ang naturang inisyatibo ay bahagi ng Local Social Pension Program ng pamahalaang lungsod para sa mga buwan ng Hulyo hanggang Disyembre 2024.kasabay nito ang pagpapa rafle sa mga senior na ikinasiya nila ito ay bahagi ng batas na naipasa ng congresso na tinawag na miles stone na aprobado ng Pangulo kaya piniwanag ni Mayor ang bagong sistema ng pang pamamahagi ng pensions sa mga seniors.

Para sa mga benepisyaryo, malaking tulong ang pension bilang pangtustos sa kanilang mga araw-araw na pangangailangan tulad ng pambili ng gamot, pambayad sa kuryente at pandagdag panghanda sa nalalapit na Kapaskuhan.

Sa kabuuan, tinatayang 18,666 senior citizens sa lungsod ang mabibigyan ng local social pension simula ngayong araw hanggang Linggo, Disyembre 22.

Dumalo sa payout si Vice Mayor Gel Alonte na siyang may akda ng lokal na ordinansa para sa pagpapatupad ng programa sa lungsod na itinuturing na kauna-unahang local social pension program sa Laguna.
ayon kay Vice Mayor Jel Alonte na kanyang itutuloy ang ganitong programa para sa kapakinabangan ng kanyang kababagan, lalonat malapit na matapos ang Hospital ng Lungsod ng Binan na magiging kaluwagan sa pangkLusugan pangangailangan na kanilang itinaguyod sa lungsod nang Binan.