Quezon Quezon-Bicol encounter sa MPBL.

Perfect 10 sa Quezon

Robert Andaya Jun 8, 2024
151 Views

PERFECT 10 para sa Quezon Huskers.

Nagpakita ng matinding opensa at matibay na depensa ang Quezon sa kanilang lopsided na 115-86 panalo sa Bicol sa pagpapatuloy ng aksyon sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Caloocan Sports Complex.

Sumandal ang Huskers sa kanilang balanseng atake, na kung saan 14 sa 15 players na pinaglaro ni coach Eric Gonzales, ang umiskor tungo sa kanilang ika-10 sunod na panalo sa 29-team, two-division tournament ni Sen. Manny Pacquiao.

Sina Lucena City Mayor Mark Alcala at Xyrus Torres ang nagpasimuno sa kanilang

17 points para sa Quezon, na nakaungos na sa kapwa walang talong San Juan (9-0) at Nueva Ecija (9-0).

Nakatulong din para sa Huskers sina Gab Banal, na may all-around performance na 10 points, eight rebounds at five assists; at Domark Matillano, na may 10 points at five rebounds.

Nalasap ng Oragons ang kanilang 12 sunod na pagkatalo — worst record ngayon sa “Liga ng Bawat Pilipino”.

Dadayo ang MPBL sa Nueva Ecija City Coliseum sacPalayan City, na kung saan magtutuos ang Muntinlupa at Bacolod da 4 p.m., Bataan at Imus sa 6 p.m. at Zamboanga at Nueva Ecija sa 8 p.m.

Commissioner si PBA legend Kenneth Duremdes.

The scores:

Quezon (115)– Alcala 17, X.Torres 17, Matillano 10, Banal 10, Fuentes 9, Saitana 9, Gonzales 7, Minerva 7, Rivero 6, Lagrama 6, Marasigan 6, Gravera 5, Opiso 4, Salonga 2, Abundo 0.

Bicol (86) — Alfonso 19, Casajeros 17, Alanes 14, Reyes 10, Deles 9, Javier 8, Santos 4, Velvez 2, Ng Sang 2u, Llarena 1, Burgos 0, Rojas 0, Macaballug 0, Lao 0.

Quarterscores: 22-17, 60-39, 93-61, 115-86.