MPBL1 Biñan-Pangasinan game sa MPBL.

Perfect six sa Biñan

Robert Andaya May 20, 2024
178 Views

PERFECT six para sa Biñan.

Sa pangunguna nina Jaymar Gimpayan at Pierce Tyron Chan, pinabagsak ng Biñan Tatak Gel Beast Motorcycle Game X ang host team Pangasinan, 75-72, at lumikha ng four-way tie para sa liderato sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Umiskor si Gimpayan ng 10 points at nagdagdag si Chan ng five points sa fourth quarter para sa Biñan, na pumarehas sa Nueva Ecija,

Quezon at San Juan, na may 6-0 win-loss record sa elimination round ng 29-team tournament na itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao.

Nagtapos si Gimpayan na may 14 points at nine rebounds upang masungkit ang “Best Player of the Game” honors laban sa mga teammates na sina Kenny Roger Rocacurva (12 points, three rebounds) at Michael Heinrich Maestre (10 points).

Namuno naman sina Ralph Robin,na may 22 points, kabilang ang four triples, at 4 rebounds; Ian Melencio, na may 15 points at six rebounds; Michael Mabulac, na may 11 points at 14 rebounds; at Hessed Gabo, na may 11 points at nine assists.

Lamang ang Binan, 75-72, sa huling 13.5 seconds subalit may pagkakataon ang Pangasinan na itabla ang laro.

Gayunman, nag-mintis si Gabo sa kanyang three-pointer na may 8.7 seconds ang natitira at si JR Caasi ng kanyang jumper na may 6.3 seconds ang nalalabi

Dahil dito, nalasap ng Heatwaves ang kanilang ika-anim na talo kontra sa dalawang panalo.

Si PBA legend Kenneth Duremdes ang MPBL commissioner.

The scores:

Biñan (75) — Gimpayan 14, Rocacurva 12, Maestre 10, Lastimosa 7, Manalang 6, Canaleta 5, Chan 5, Raymundo 4, Alabanza 4, Actub 3, Pido 3, Baetiong 2, Anonuevo 0, Penaredondo 0, Alonte 0.
Pangasinan (72) – Robin 22, Melencio 15, Gabo 11, Mabulac 11, Miranda 6, Gabriel 3,Caasi 2, Bautista 2, Gania 0, Tolentino 0, Meneses 0, Taganas 0, Villamor 0, Javillonar 0, Tan 0.
Quarterscores: 18-7, 44-29, 58-53, 75-72.