Davao Davao- Rizal game sa MPBL.

Davao Occ. angat sa Rizal

Robert Andaya May 20, 2024
74 Views

NAGPASIKAT sina Art Dela Cruz at James Martinez upang pangunahan ang Davao Occidental sa 79-59 panalo laban sa Rizal Xentro Mall sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season elimination round sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Si De la Cruz, na napiling “Best Player of the Game”, ay nagtala ng 19 points, 14 rebounds at three assists, habang si Martinez ay gumawa ng 15 points at three assists para sa Tigers, na tinanghal na 2021 MPBL Lakan Season champion.

Sina Terrence Tumalip, Bambam Gamalinda at Jun Manzo ay nagdagdag ng tig-eight points para sa Tigers ni Coach Manu Inigo.

Ang Rizal, na bumagsak sa 5-3 record sa standing, ay nakakuha ng 18 points, seven rebounds, two steals at two assists mula kay homegrown star John Apacible at 11 points, five rebounds at four steals mula kay Keith Agovida.

Magpapatulou ang aksyon sa MPBLsa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga, na kung saan magtutuos ang Negros kontra Iloilo simula 4 p.m., Batangas laban sa Quezon City simula 6 p.m. at Pasay kontra Pampanga simula 8 p.m.

The scores:

Davao (79)– Dela Cruz 18, Martinez 15, Tumalip 8, Gamalinda 8, Manzo 8, Enguio 7, Ighalo 5, Bayla 3, Arana 3, Custodio 2, Nabong 2, Mancao 0, Sarangay 0, Andrada 0.
Rizal (59) – Apacible 18, Agovida 11, Casino 8, Timajo 6, Dela Cruz 5, Jimenez 4, Alday 3, Alonzo 2, Lao 2, Villoria 0, Balagtas 0, Daavis 0, Pingoy 2, Cruz 0, Serrano 0.
Quarterscores: 17-7, 39-19, 61-36, 79-59.