MPBL Muntinlupa-Bataan game sa MPBL.

Muntinlupa humirit ng panalo

Robert Andaya May 20, 2024
77 Views

PINUTOL ng Muntinlupa ang pitong sunod na pagkatalo matapos makalusot sa Bataan, 69-63, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Pinangunahan ni Joshua Guiab ang atake ng Muntinlupa sa kanyang double-double na 17 points at 11 rebounds bukod sa three assists at two steals.

Nakatulong ni Guiab sina Jasper Longalong, na may 14 points, two rebounds at two blocks, at Dave Moralde, na may 13 points, three rebounds at five assists.

Tanging si Mitchelle Maynes ang gumawa ng double-digit scores para sa Bataan sa kanyang 11 points.

Samantala, nagtapos lamang ng may tatlong puntos si Yves Sazon matapos ang 1 of 12 shooting para sa Bataan, na bumagsak sa 3-5 win-loss record.

Ang MPBL, na itinuturing ding “Liga ng Bawat Pilipino”, ay itinatag ni Sen. Manny Pacquiao.

Ang PBA legend na si Kenneth Duremdes ang nangangasiwa sa 29-team tournament bilang commissioner.

The scores:

Muntinlupa (69) — Guiab 17, Longalong 14, Moralde 13, Acidre 8, Cuevas 7, Marcos 5, Sombero 3, De Leon 2, Batac 0, Magbuhos 0, Bongay 0, Capacio 0, Arenal 0, Buenaflor 0, Gonzales 0.
Bataan (63)- Maynes 11, C.Bringas 8, Paguio 7, Darang 6, A.Bringas 6, Castro 5, Gabawan 4, Lastimosa 3, Santos 3, Sazon 3, Torrado 3, Acuno 2 Ramos 2, Vera 0, Octobre 0.
Quarterscores: – 21-20, 34-35, 53-45, 69-63.