Calendar

Permit sa pag-import ng isda pinalawig ng DA
PINALAWIG ng Department of Agriculture (DA) hanggang Hunyo 30 ang deadline sa pag-isyu ng import permit para sa isda at iba pang lamang dagat.
Layunin ng deadline extension na mabigyan ng sapat na panahon ang mga importer na mag-adjust sa mga panuntunan na naglalayong mapagaan ang food inflation at mapabuti ang allocation efficiency.
Matatandaan na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-rationalize ang fish importation upang mapatatag ang suplay at presyo para sa tourism at high-end food sectors.
Sa unang bahagi ng taon, inaprubahan ng DA ang importation ng hanggang 25,000 metriko tonelada ng isda at iba pang lamang dagat para sa food service, tourism at hospitality industries.
Subalit, umabot lamang sa isang quarter mula sa naturang volume ang dumating sa bansa.
Itinuro ni DA Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang mababang importasyon sa mahigpit na importation timelines at sourcing constraints.
“It’s more of a systemic issue than low demand. The timeframes we set were too short, and many of the approved products were out of season in their countries of origin.
It was also challenging for some importers to meet requirements tied to larger volume allocations,” ani Tiu Laurel.
Kabilang sa inaprubahang listahan ng importasyon ang iba’t-ibang klase ng salmon, cod at tuna by-products, pusit, scallops, octopus at lobster.
Ayon kay Tiu Laurel, sardinas ang tanging exempted sa import list.
“We allowed sardine imports because it was off-season in some of our local fishing grounds and sardines are the most affordable fish available to help address inflation concerns,” paliwanag ng kalihim.
Kabilang sa mga eligible para sa fish import allocation ang mga accredited importer sa ilalim ng FAO 195 at ang mga rehistrado sa FAO 259 sa pamamagitan ng Certificate of Necessity to Import.
Batay sa panuntunan ng Memorandum Order No. 12, series of 2025 ang eligibility.
Sakop ng FAO 195 ang importasyon ng sariwa, chilled o frozen fish at aquatic products, samantalang sakop ng FAO 259 ang importasyon para sa wet markets sa panahon ng closed season.