Saloma

PGC handa para sa sequencing ng monkeypox

212 Views

NAKAHANDA ang Philippine Genome Center (PGC) na magsagawa ng sequencing sa mga sample mula sa mga indibidwal na pinaghihinalaang nahawa ng monkeypox virus.

Ayon kay PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma nakipag-ugnayan na ito sa Department of Health-Epidemiology Bureau upang bumalangkas ng protocol na gagamitin sakaling magkaroon ng kaso ng monkeypox virus sa bansa.

Ang sintomas ng monkeypox virus ay katulad umano ng tigdas at bulutong (chickenpox).

Ang mga magkakaroon ng ganitong sintomas ay dapat umanong mag-isolate upang hindi na makahawa at kumonsulta sa doktor sa pamamagitan ng video call.

Mahigit sa 200 kaso na ang naitala nito sa iba’t ibang bahagi ng mundo, karamihan ay sa Europa.