Consul

PH Consulate sa San Francisco nagkaroon ng kumustahan

34 Views

Consul1NAGKAROON ng “Kumustahan sa Konsulado” sa Kalayaan Hall ng Philippine Center ng Philippine Consulate General (PCG) sa San Francisco, California.

Nagpasalamat si Konsul Heneral Arnel Talisayon sa pakikilahok ng mga Pinoy sa event.

Ayon sa Konsul Heneral, ang suporta ng komunidad ang nagsisilbing pundasyon upang mas mapahusay ang paghahatid ng mga duties ng consular office at pagtataguyod ng interes ng Pilipinas sa ibang bansa.

“Ang inyong patuloy na tiwala ay nagbibigay-daan sa amin upang mas mahusay na maisakatuparan ang aming tungkulin—hindi lamang sa serbisyo, kundi sa pagpapalakas ng ating koneksyon bilang isang lahi,” sabi ni Talisayon.

Ayon sa opisyal, ang pintuan ng Konsulado ay bukas para sa lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang katayuan.

Tiniyak niya na ang bawat transaksyon ay isinasagawa nang may katapatan at mahigpit na sumusunod sa mga batas ng data privacy upang protektahan ang pagkakakilanlan ng mga mamamayan.

Nangako ang Konsul Heneral na itataguyod ang mga makabagong paraan upang gawing mas mabilis at transparent ang kanilang serbisyo, kasabay ng masiglang diplomasyang pangkultura.