Calendar

PH tourism bilang bread and butter ng PH kinatigan ni Madrona
๐๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก ๐ป๐ด c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฏ๐น๐ผ๐ป ๐๐ผ๐ป๐ฒ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฟ๐ผ ๐๐ฒ๐๐๐ “๐๐๐ฑ๐ผ๐” ๐. ๐ ๐ฎ๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ถ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ (๐๐ข๐ง) ๐ฆ๐ฒ๐ฐ. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ถ๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ ๐ฎ๐ ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ “๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฏ๐๐๐๐ฒ๐ฟ” ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฏ๐๐ป๐๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ถ๐๐ผ.
Ayon kay Madrona, pinatutunayan ng paglago ng domestic tourism expenditutes na umabot ng 72.3% mula sa dating P1.55 trillion noong taong 2022 ang pahayag ni Frasco. Aniya, ipinapakita lamang nito na malaking pakinabang ang nakukuha ng bansa mula sa turismo.
Paliwanag pa ni Madrona, ganito rin ang lumabas sa Philippine Tourism Satellite Accounts (PTSA) at Tourism Statistics Dissemination Forum na lalong nagpapatunay na ang turismo ng Pilipinas ang nagsisilbing “life line” ng pamahalaan na nagpapasok ng malaking kita bukod pa ang mga trabahong naibibigay nito para sa mga Pilipino.
Dati nang sinabi ng kongresista na ang Philippine tourism ang nagsisilbing “economic driver” ng Pilipinas bunsod ng malaking ganansiya na ipinapasok nito sa kaban ng pamahalaan.
Sabi pa ni Madrona, ang pagtaas ng gastusin sa turismo ay malaki ang naiaambag sa ekonomiya ng bansa. Kung saan, ipinapakita din nito na ang Philippine tourism ang pinaka-matibay na haligi ng ekononiya ng bansa.