PhilHealth

PhilHealth exec inulan ng tanong sa Kamara

13 Views

GINISA ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Senior Vice President Renato Limsiaco kung bakit hindi na muling isinumite para sa pagproseso na ang P4.4 bilyon na halaga ng mga claim sa ospital na ibinalik dahil sa hindi kumpletong mga kinakailangan.

Ang pagsisiwalat ng PhilHealth official umabot sa Kamara noong Miyerkules kaya kinuwestyon ni Luistro si Limsiaco tungkol sa P59.6 bilyong hindi nabayarang claim ng PhilHealth sa mga ospital.

Ang pagsisiyasat isinagawa ng House Committee on Good Government and Public Accountability.