hongkong

Philippine Embassy sa Hong Kong binisita ng OFW Party List Group

Mar Rodriguez Jun 23, 2023
191 Views

hongkonghongkonghongkongBINISITA ng OFW Party List Group sa Kamara de Representantes ang Philippine Embassy sa Hong Kong kasunod ng pakikipapulong nito sa Philippine Consulate General sa nasabing bansa na si General Raly Tejada para kamustahin at alamin ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dito.

Nabatid ng People’s Taliba kay OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na tinalakay sa pulong o meeting nila ni General Tejada ang working condition ng mga OFWs sa Hong Kong.

Ayon kay Magsino, sa kasalukuyan ay nasa 200,000 Filipino ang naninirahan at nagta-trabaho sa Hong Kong kabilang na dito ang halos 180,000 household service workers o ang tinatawag na domestic helpers (DH).

Sinabi din ni Magsino na mula pa noong 1970, ang Pilipinas aniya ang pinaka-major source o pangunahing pinanggagalingan ng mga foreign domestic workers sa Hong Kong o ang mga nagta-trabaho bilang mga kasambahay.

Inilahad pa ni Magsino na kabilang sa mga natalakay na isyu sa kanilang meeting ay ang mga usapin na nakaka-apekto sa mga OFWs. Ito ay ang panukalang regulation sa contract termination at pagbabawal sa mga migrant domestic workers na iwanan ang kanilang employer at maghanap ng ibang mapapasukang trabaho.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na ang isa sa mga isyu na tinalakay nilang sa pulong ay ang talamak na pagsasanla umano ng mga OFWs ng kanilang pasaporte o passport. Kung saan, nagbalangkas sila ng mahigpit na kautusan para mahinto ang ganitong kalakaran sa Hong Kong.