Phivolcs

PHIVOLCS itinaas alerto sa Bulkang Mayon

239 Views

ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Level 1 ((Low-Level Unrest)) ang alerto sa Bulkang Mayon ngayong Linggo ng hapon.

Ayon sa PHIVOLCS nakitaan ang bulkang Mayon ng pamamaga batay sa Global Positioning Systems (GPS), precise leveling (PL), electronic tilt at electronic distance meter (EDM) monitoring.

Nananatili naman umanong konti ang SO2 emission ng bulkan na ang average ay 688 tonnes per day halos nasa baseline level lang

Mayroon din umanong mga naitatalang volcanic earthquake bagamat ito ay mahihina.

“These observation parameters indicate that volcanic gas-induced pressurization at the shallow depths of the edifice may be occurring, causing the summit dome of Mayon to be pushed out,” paliwanag ng PHIVOLCS.

Ipinaalala ng PHIVOLCS sa publiko na iwasan ang pagpasok sa six kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa posibleng biglaang steam-driven o phreatic eruption at pagkahulog ng mga bato.