Marites Lang

Pilipinas at China: Hawak Kamay

Marites Lang May 20, 2022
438 Views

Kapit

MATAPOS ang madamdaming yugto ng pangangampanya at eleksyon ng mga opisyales natin mula sa barangay level hanggang sa kataas-taasang level ng gobyerno ay nandito tayo sa stage ng transition. Inaayos na ng mga paalis na gabinete ang turn over ng mga dokumento, obligasyones at mga iiwang mga ongoing na proyekto. Salamat at hindi nagkaroon ng gitgitan ang grupo ng paalis na mga opisyales at ang mga parating pa lamang.

Maganda ang pagtanggap ng international community sa resulta ng halalan. Nauna pa silang nag welcome sa mga nanalo kesa sa mga ampalayang olats sa eleksyon. Nakangiti ang mga Pangulo at Pinuno ng maraming mga bansa sa resulta ng eleksyon samantalang me mga kailangang uminom ng dagdag na maintenance meds dito kc natalo.

Ang kasabihan ng mga matatanda sa probinsya ay: “Ang hindi lamang natin matatanggap ay ang hindi pa dumadating”. Sang ayon sa kanila, ang buhay minsan may sariling direksiyon, sariling pakahulugan o taginting at hindi tayo ang may kapangyarihang kumontra o baguhin ito. Nangyari ang nakatakda at ito ay matagal ng nakasulat sa talaan ng buhay doon sa Akashic records sa kalangitan sangayon sa mga senyales. Kapag ang nakatakda ang galaw ng pangyayari ay ganyan, landslide victory. Ang kokontra magkursilyo kayo at baka nagkakamali kayo ng pagtanggap sa mga bagay bagay. Learn to read the language of the signs please.

Nakita natin ang trend mula pa sa kampanya at ang mga in denial ay nangontra ng nangontra. Baka nga may nagtirik pa ng kandilang itim para maiba ang takbo ng pangyayari. Pero Teh… wala tayong magagawa kapag ang tunay na kapalaran ang gumalaw. Kahit makialam pa sangkaterbang magriritual ay hindi mangyayari ang hindi nararapat.

Anyway, mas naunang tumawag ang Presidente ng Amerika sa ating bagong halal na Pangulo, tapos sunod sunod pa kasama ang Japan, Australia na mukhang nag host sa kanila sa pagpapahinga doon ng ating kapoy na bagong Pangulo; Israel at iba pang mga bansa sa European Union. Huwag nating kalimutang banggitin ang mga Asian leaders at unang una si Pangulong Xi Jin Ping ng China. Magandang balita ang pagbubukas palad ni Pangulong Xi sa ating pinuno. Ito ay senyales na maaaring maayos ang relasyon ng dalawang pinuno at dalawang bansa. Not to mention ang support ng US, Australia, Japan, Israel, isama pa natin ang Russian leader na si Pangulong Vladimir Putin. Naiintindihan nyo ba ang ibig sabihin nyan? Ang mga World leaders at mga G8 economies ay nagpahayag ng support sa ating Pangulo. Can you imagine the possibilities and doors that may open because of this?

At ang China kung ating masusustain ang diplomatic ties at cooperation sa kanila ay maaaring magkaroon tayo ng mga bagong trade agreements among others. If we remember it right, tayong mga Pilipino ang unang katransaksyon ng mga Chinese traders even before the Spanish explorers came to our land. Gaano na katagal tayong like real family in business and trade? Chinese President Xi is so kind in expressing his well wishes for us and our leader. We have to show benevolence in return. Maigting na hawak kamay ang kailangan.

Matapos ang pandemya alam na natin ang mga mangyayari at very positive ang mga senyales na nakikita natin. Ang mga posibilidad sa negosyo, kalakalan, mga magkatuwang na pag aaral at pag asenso marahil. Ibig sabihin maaari tayong humabol bilang isang malaking ekonomiya kung tayo ay magkakaroon ng structured policy planning.

Hindi naman tayo siempre mangunguna pero nakaka excite isipin na maganda ang pagtanggap nila sa ating mga bagong halal na mga pinuno at sa proseso natin para maayos ang nagiging transition sa ating pamahalaan. Magpasalamat din tayo at mukhang magandang senyales ito na nagkaroon sila ng mataas na confidence level sa mga policies ni Pangulong PPRD ngayon. Bagamat madaming ang gagaling tumawag sa mga sumusuporta sa kanya at sa mga bagong halal ng kung ano ano, e bakit antaas ng confidence level ng world leaders sa mga pinuno natin? Isn’t it ironic that our leaders are respected in the international scene pero ang konti lang namang mga alta sociedad daw na (un)civil society ay syang unhappy at super offensive sa kanilang mga messages in different media and what for?Aren’t these government critics and pseudo intellectuals (who I suspect as a bunch of wannabe opinion-makers) being judgmental and imposing their convoluted concepts of how things should be without proper threat assessments? Magdahan dahan naman sana kayo ng kabibitaw ng mga panalita. Aside from being unkind e parang nagmumukha na kayong me mga agenda kaya kuda ng kuda at never ending ang hanash noh! Come to think of it, instead of helping build this nation, your goal seems to be to destroy just to enjoy the idea of destruction. Your idea of feeling a sense of power from this evil deed is a manifestation of insanity. Albeit that, I feel that in the overall scheme of things, your insanity is burying yourself to oblivion. Pwede din namang nadadala lang tayo sa sitwasyon. Ganun pa man, iangat natin ang ating mga sarili sa ating mga emosyon. Relax lang at tiwala lang.