Calendar
Nation
Pilipinas, NY pinagtibay ugnayan
Jojo Cesar Magsombol
Oct 26, 2026
23
Views

MAS pinatibay pa ang ugnayan ng Pilipinas at New York matapos ang pagpupulong nina Acting Head of Post at Consul Juan Carlos Borromeo at New York State Assembly member Steven Raga.
Paksa sa diskusyon ang mga bagong oportunidad upang mapalakas ang kooperasyon ng dalawang panig, partikular na sa mga sektor ng pangangalagang pangkalusugan (healthcare), kalakalan at imprastraktura.
Kasabay nito, ikinatuwa rin ng Konsul ang natanggap na balita mula kay Assembly member Raga kaugnay ng pinaplano nitong pagbisita ng ilang mambabatas mula sa New York patungong Pilipinas bago matapos ang taon.
Pinasalamatan ni Konsul Borromeo si Raga para sa matagumpay na “Filipino American History Month Little Manila Parade and Block Party” noong Oktubre 18.
DI MAIPALIWANAG NA YAMAN PINAKAMADALING MAUNAWAAN
Oct 25, 2026
PROSEKUSYON HANDANG I-CROSS EXAMINE VP SARA
Oct 25, 2026
Lacson umaasang mapayapa pag-aresto kay Bato
Oct 25, 2026

