Philippines Team Philippine Youth Dreamers.

Pilipinas Youth Dreamers sumabak sa Taipei

Robert Andaya Nov 11, 2024
62 Views

HINDI man nag-champion, madami ang napa-saya sa performance ng Philippine Youth Dreamers sa nakalipas na first Asia-Pacific Youth Basketball Tournament U15 division na ginanap sa Taipei, Taiwan nung October 18-20.

Sa pangunguna nina multi-titled coach Beaujing Acot bilang head of delegation, Joey De Guia at Julius Terule bilang team consultants atTerrence Baclig bilanf head coach, nakipagsabayan ang mga Filipino players sa mas matataas at mas may karanasang teams mula Asia-Pacific region.

Ang mga miyembro ng team ay sina Luke Stanley Capiral, Kaeden Navarro, Jaimin Tablizo, Shawn Sorosoro, Matteo Lotho, Klied Siat, Axl Magadia, Lennon Magadia, Tyler Young, Marquise Batalon, Paul Manoloto at Nikee Manoloto.

Nagsilbing assistant coaches naman sina Keno Bautista, Ner Manoloto and John Chartreuse Santos.

Nagpasalamat si Acot sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), Converge ICT Solutions Inc at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang suporta para sa youth developmentng Philippine basketball.”

Ang JH Athletics Sports Apparels ang naging official outfitter ng Team Pilipinas-PYD.