Serrano Nag-bida si Enchong Serrano para sa Pampanga Giant Lanterns. MPBL photo

Pampanga winalis ang Nueva Ecija

Robert Andaya Nov 1, 2024
134 Views

HINDI na binigyan pa ng pagkakataon ng defending champion Pampanga ang Nueva Ecija sa kanilang MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season showdown sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Bagamat kinailangan ng overtime, winalis ng Pampanga ang Nueva Ecija, 83-80, upang masungkit ang finals ticket laban sa San Juan Knights sa North Division.

Nanguna ang mga homegrown stars na sina MJ Garcia at Encho Serrano para sa Giant Lanterns, na binigo ang Nueva Ecija, 2-0, sa kanilang best-of-three semifinal series sa harap ng kanilang madaming mga taga-suporta.

Dalawang free throws ni Serrano ang nagbigay sa Pampanga ng 83-80 lead sa huling 11.5 segundo, na sinundan ng krusyal na turnover ni JC Cullar may 3.4 segundo ang nalalabi sa shot clock

Tabla ang iskor, 70-all, sa pagtatapos ng regulation time.

Sa extra period, nagsanib pwersa sina Archie Concepcion, reigning MVP Justine Baltazar, Garcia at Serrano upang tiyakin na ang panalo.

Nanguna si Serrano para sa Pampanga s kanyang 23 points, five rebounds at three assists, kasunod sina Concepcion, na may 18 points, four assists, four rebounds at two blocks; Baltazar, na may 10 points, 25 rebounds, four assists at two blocks, at Garcia, na may 10 points, five rebounds at three assists.

Samantala, bibigyan ni Pampanga Coach Gov. Dennis Pineda ng sapat na panahon ang kanyang mga players bago maghanda para sa kanilang repeat best-of-three North Finals laban sa San Juan Knights.