Sibuyas

Pilot testing ng kalidad ng ini-import na pagkain sinimulan ng BPI

Cory Martinez Oct 19, 2024
101 Views

SISIMULAN na ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang pilot testing para sa pagsusuri sa kalidad at kaligtasan ng mga inaangkat na produktong agrikultura.

Lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) ang BPI sa FMC Research Solutions Inc., na naglalayon na gumamit ng makabagong teknolohiya ang mga farmers para mapaigting ang proseso ng pagsusuri ng mga naturang produkto at matiyak ang pagsunod sa mga food safety regulations.

Mandato ng BPI ang pagpapatupad ng food safety and phytosanitary regulations sa bansa.

Ang pag-isyu ng mga clearance bago ang pag-angkat ng mga produkto upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga tao. Kritikal ang mandato nilang ito sa pagpigil sa pagpasok sa bansa ng mga hindi safe na produktong pagkain at makontrol ang pagkalat ng mga potensyal na sakit na dala ng mga inaangkat na mga produkto.

Ayon kay BPI director Gerald Glenn Panganiban, ang pakikipagkolaborasyon sa FMC Research naaayon sa pagsisikap ng administrasyon ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ipatupad ang digitalization at streamlining ng mga function ng ahensya at ang mga attached agency nito.

“We’re continuously looking at technological solutions to boost our inspection and quarantine capabilities, especially with the recent enactment of the Anti-Agricultural Sabotage Act that gave DA expanded powers to combat the smuggling of agricultural products,” ani Panganiban.

Ang FMC Research isang Filipino regulatory technology company na dalubhasa sa pagbibigay ng isang komprehensibong lifecycle, life cycle monitoring system sa mga imported na agricultural products.

“In this pilot test program, we shall demonstrate the capabilities and features of our secure solution,” ani Melody Chua, co-founder ng FMC Research Solutions Inc.

“We aim to secure an end-to-end system designed to counter the present issues on food safety and agricultural smuggling.

Our proposed solution ensures comprehensive coverage to enhance the monitoring and audit functions of regulatory agencies by providing the needed reports and business analytics to aid the Bureau of Plant Industry,” dagdag pa ni Chua.