Pimentel

Pimentel: Wag sayangin pagkakataon na magtulungan

Mar Rodriguez Oct 12, 2023
198 Views

NANAWAGAN si Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel sa lahat ng sektor na tumulong sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagdodoble-kayod upang madala ang ekonomiya ng bansa sa bagong panahon ng pag-unlad.

Sinabi ni Pimentel na matapos mapag-isa ng kasalukuyang administrasyon ang bansa upang suportahan ang mga prayoridad na programa nito ay mayroong mga sektor na hindi nasisiyahan ang nagbabato ng mga walang basehang alegasyon upang papangitin ang imahe ng Panhgulo at mga kaalyado nito.

Ayon kay Pimentel kakaiba ang oportunidad sa kasalukuyan dahil ito ang unang pagkakataon makalipas ang 18 taon na ang kandidato sa pagkapangulo at ang kanyang running mate ay parehong nanalo kaya maaaring magtrabaho ang dalawa ng magkasama.

“All sectors should take advantage of this rare opportunity instead of trying to drive a wedge between President Bongbong Marcos and VP Sara Duterte who have succeeded in working together in bringing back the nation on the path of robust economic growth,” ani Pimentel.

“Ang bansa muna ang unahin natin, bago ang ating mga pulitikal na interes. Malayo pa po ang eleksyon. Yung kapakanan muna ng mga kababayan natin ang atupagin natin,” sabi pa ni Pimentel.

“Our President should be given all the support he needs especially at this time as he continues to work hard in protecting the purchasing power of Filipino families, creating more jobs and providing aid to the poorest of the poor,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi ni Pimentel na dapat sundan ng mga lider politikal ang mga ginawa ni Speaker Martin Romualdez na ang magandang pamumuno ay nagresulta sa magandang nagawa ng Kamara.

“Another thing that they can learn from the Speaker: He backs his words with tough action. When he warned smugglers and hoarders that the law would catch up on them, he did not just sit down and did nothing after these pronouncements. He joined customs officials in inspecting rice warehouses,” sabi ni Pimentel.

Dapat din umanong tularan ng mga lider politikal ang ginagawa ni Romualdez kaugnay ng mga ktiriko at naninira sa kanya.

“When his detractors spoke ill of him, he did not stoop down to their level. He showed strength of character and a high degree of professionalism by ignoring their unfounded allegations and focusing instead on making the House a highly respected and productive institution on his watch,” sabi pa ni Pimentel.

“Mga ganitong lider po ang tularin natin para sama-sama tayong umangat, kaysa maghilahan tayong pababa,” dagdag pa nito.